6Sinasabi nila, “Maghanap tayo ng masamang tao na kakalaban sa kanya, at magsasampa ng kaso sa hukuman laban sa kanya.
7At kapag hinatulan na siya, lumabas sana na siya ang may kasalanan, at ituring din na kasalanan ang kanyang mga panalangin.
8Mamatay na sana siya agad at ibigay na lang sa iba ang katungkulan niya.
9At nang maulila ang kanyang mga anak at mabiyuda ang kanyang asawa.
10Maging palaboy sana at mamalimos ang kanyang mga anak at palayasin sila kahit na sa kanilang ginibang tahanan.