3Yayaman ang kanyang sambahayan, at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman.
4Kahit sa kadiliman, taglay pa rin ang liwanag ng taong namumuhay nang matuwid, at puno ng kabutihan, kahabagan at katuwiran.
5Pagpapalain ang taong mapagbigay at nagpapahiram, at hindi nandaraya sa kanyang hanapbuhay.
6Tiyak na magiging matatag ang kanyang kalagayan at hindi siya makakalimutan magpakailanman.
7Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon.