Awit 112

Tiyak na magiging matatag ang kanyang kalagayan at hindi siya makakalimutan magpakailanman.

Psalm 112:6 (UKJV) Surely he shall not be moved for ever: the righteous shall be in everlasting remembrance.

4Kahit sa kadiliman, taglay pa rin ang liwanag ng taong namumuhay nang matuwid, at puno ng kabutihan, kahabagan at katuwiran.

5Pagpapalain ang taong mapagbigay at nagpapahiram, at hindi nandaraya sa kanyang hanapbuhay.

6Tiyak na magiging matatag ang kanyang kalagayan at hindi siya makakalimutan magpakailanman.

7Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon.

8Hindi siya matatakot o maguguluhan, dahil alam niyang sa bandang huliʼy makikita niya ang tagumpay laban sa kanyang mga kalaban.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.