Awit 112

Hindi siya matatakot o maguguluhan, dahil alam niyang sa bandang huliʼy makikita niya ang tagumpay laban sa kanyang mga kalaban.

Psalm 112:8 (UKJV) His heart is established, he shall not be afraid, until he see his desire upon his enemies.

6Tiyak na magiging matatag ang kanyang kalagayan at hindi siya makakalimutan magpakailanman.

7Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon.

8Hindi siya matatakot o maguguluhan, dahil alam niyang sa bandang huliʼy makikita niya ang tagumpay laban sa kanyang mga kalaban.

9Nagbibigay siya sa mga dukha, at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman. Ang kanyang kakayahan ay lalo pang dadagdagan ng Diyos upang siyaʼy maparangalan.

10Makikita ito ng mga taong masama at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa galit, at matutunaw sila dahil sa kahihiyan. Hindi magtatagumpay ang naisin ng taong masama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.