Awit 112

Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon.

Psalm 112:7 (UKJV) He shall not be afraid of evil tidings: his heart is fixed, trusting in the LORD.

5Pagpapalain ang taong mapagbigay at nagpapahiram, at hindi nandaraya sa kanyang hanapbuhay.

6Tiyak na magiging matatag ang kanyang kalagayan at hindi siya makakalimutan magpakailanman.

7Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon.

8Hindi siya matatakot o maguguluhan, dahil alam niyang sa bandang huliʼy makikita niya ang tagumpay laban sa kanyang mga kalaban.

9Nagbibigay siya sa mga dukha, at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman. Ang kanyang kakayahan ay lalo pang dadagdagan ng Diyos upang siyaʼy maparangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.