22Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ang siyang naging batong panulukan.
23Ang Panginoon ang may gawa nito at tunay na kahanga-hanga sa ating paningin.
24Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, kaya tayoʼy magalak at magdiwang.
25Panginoon, patuloy nʼyo kaming iligtas. Pagtagumpayin nʼyo kami sa lahat ng aming ginagawa.
26Pinagpapala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon. Pagpalain sana kayo ng Panginoon mula sa kanyang Templo.