23Ang Panginoon ang may gawa nito at tunay na kahanga-hanga sa ating paningin.
24Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, kaya tayoʼy magalak at magdiwang.
25Panginoon, patuloy nʼyo kaming iligtas. Pagtagumpayin nʼyo kami sa lahat ng aming ginagawa.
26Pinagpapala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon. Pagpalain sana kayo ng Panginoon mula sa kanyang Templo.
27Ang Panginoon ay Diyos at napakabuti niya sa atin. Magdala tayo ng mga sanga ng punongkahoy para sa pagdiriwang ng pista, at pumarada paikot sa altar.