Awit 118

Ang Panginoon ay Diyos at napakabuti niya sa atin. Magdala tayo ng mga sanga ng punongkahoy para sa pagdiriwang ng pista, at pumarada paikot sa altar.

Psalm 118:27 (UKJV) God is the LORD, which has showed us light: bind the sacrifice with cords, even unto the horns of the altar.

25Panginoon, patuloy nʼyo kaming iligtas. Pagtagumpayin nʼyo kami sa lahat ng aming ginagawa.

26Pinagpapala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon. Pagpalain sana kayo ng Panginoon mula sa kanyang Templo.

27Ang Panginoon ay Diyos at napakabuti niya sa atin. Magdala tayo ng mga sanga ng punongkahoy para sa pagdiriwang ng pista, at pumarada paikot sa altar.

28Panginoon, kayo ang aking Diyos; nagpapasalamat ako at nagpupuri sa inyo.

29Pasalamatan ang Panginoon, dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.