Awit 118

Pinagpapala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon. Pagpalain sana kayo ng Panginoon mula sa kanyang Templo.

Psalm 118:26 (UKJV) Blessed be he that comes in the name of the LORD: we have blessed you out of the house of the LORD.

24Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, kaya tayoʼy magalak at magdiwang.

25Panginoon, patuloy nʼyo kaming iligtas. Pagtagumpayin nʼyo kami sa lahat ng aming ginagawa.

26Pinagpapala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon. Pagpalain sana kayo ng Panginoon mula sa kanyang Templo.

27Ang Panginoon ay Diyos at napakabuti niya sa atin. Magdala tayo ng mga sanga ng punongkahoy para sa pagdiriwang ng pista, at pumarada paikot sa altar.

28Panginoon, kayo ang aking Diyos; nagpapasalamat ako at nagpupuri sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.