Awit 119

Iligtas ninyo ako sa mga nang-aapi sa akin, upang masunod ko ang inyong mga tuntunin.

Psalm 119:134 (UKJV) Deliver me from the oppression of man: so will I keep your precepts.

132Masdan ninyo ako at kahabagan, gaya ng lagi ninyong ginagawa sa mga umiibig sa inyo.

133Patnubayan ninyo ako ng inyong mga salita, at huwag ninyong hayaang akoʼy pagharian ng kasamaan.

134Iligtas ninyo ako sa mga nang-aapi sa akin, upang masunod ko ang inyong mga tuntunin.

135Ipakita ninyo sa akin na inyong lingkod ang inyong kabutihan, at turuan ninyo ako ng inyong mga tuntunin.

136Labis akong umiiyak dahil hindi sinusunod ng mga tao ang inyong kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.