Awit 119

Hindi ko kailanman lilimutin ang inyong mga tuntunin, dahil sa pamamagitan nitoʼy patuloy ninyo akong binubuhay.

Psalm 119:93 (UKJV) I will never forget your precepts: for with them you have quickened me.

91Ang lahat ng bagay ay nananatili hanggang ngayon ayon sa inyong nais. Dahil ang lahat ng bagay ay sumusunod sa inyo.

92Kung ang inyong kautusan ay hindi nagbibigay sa akin ng kaaliwan, namatay na sana ako dahil sa paghihirap na dinanas ko.

93Hindi ko kailanman lilimutin ang inyong mga tuntunin, dahil sa pamamagitan nitoʼy patuloy ninyo akong binubuhay.

94Akoʼy inyo, kaya akoʼy iligtas ninyo! Dahil pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga tuntunin.

95Nag-aabang ang masasama upang akoʼy patayin, ngunit iisipin ko ang inyong mga turo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.