1Panginoon, iligtas nʼyo ako sa mga taong masama at malupit.
2Nagpaplano sila ng masama at palaging pinag-aaway ang mga tao.
3Ang kanilang mga dila ay parang mga makamandag na ahas; at ang kanilang mga salita ay parang kamandag ng ahas.
4Panginoon, ingatan nʼyo ako sa masasama at malulupit na mga taong nagpaplanong akoʼy ipahamak.
5Ang mga hambog ay naglagay ng mga bitag para sa akin; naglagay sila ng lambat sa aking dinadaanan upang ako ay hulihin.