3Ang kanilang mga dila ay parang mga makamandag na ahas; at ang kanilang mga salita ay parang kamandag ng ahas.
4Panginoon, ingatan nʼyo ako sa masasama at malulupit na mga taong nagpaplanong akoʼy ipahamak.
5Ang mga hambog ay naglagay ng mga bitag para sa akin; naglagay sila ng lambat sa aking dinadaanan upang ako ay hulihin.
6Panginoon, kayo ang aking Diyos. Dinggin nʼyo Panginoon ang pagsamo ko sa inyo.
7O Makapangyarihang Panginoon, kayo ang aking makapangyarihang Tagapagligtas; iniingatan nʼyo ako sa panahon ng digmaan.