Awit 140

Panginoon, kayo ang aking Diyos. Dinggin nʼyo Panginoon ang pagsamo ko sa inyo.

Psalm 140:6 (UKJV) I said unto the LORD, You are my God: hear the voice of my supplications, O LORD.

4Panginoon, ingatan nʼyo ako sa masasama at malulupit na mga taong nagpaplanong akoʼy ipahamak.

5Ang mga hambog ay naglagay ng mga bitag para sa akin; naglagay sila ng lambat sa aking dinadaanan upang ako ay hulihin.

6Panginoon, kayo ang aking Diyos. Dinggin nʼyo Panginoon ang pagsamo ko sa inyo.

7O Makapangyarihang Panginoon, kayo ang aking makapangyarihang Tagapagligtas; iniingatan nʼyo ako sa panahon ng digmaan.

8Panginoon, huwag nʼyong ipagkaloob sa masama ang kanilang mga hinahangad. Huwag nʼyong payagang silaʼy magtagumpay sa kanilang mga plano, baka silaʼy magmalaki.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.