Awit 140

Panginoon, huwag nʼyong ipagkaloob sa masama ang kanilang mga hinahangad. Huwag nʼyong payagang silaʼy magtagumpay sa kanilang mga plano, baka silaʼy magmalaki.

Psalm 140:8 (UKJV) Grant not, O LORD, the desires of the wicked: further not his wicked device; lest they exalt themselves. Selah.

6Panginoon, kayo ang aking Diyos. Dinggin nʼyo Panginoon ang pagsamo ko sa inyo.

7O Makapangyarihang Panginoon, kayo ang aking makapangyarihang Tagapagligtas; iniingatan nʼyo ako sa panahon ng digmaan.

8Panginoon, huwag nʼyong ipagkaloob sa masama ang kanilang mga hinahangad. Huwag nʼyong payagang silaʼy magtagumpay sa kanilang mga plano, baka silaʼy magmalaki.

9Mangyari sana ang masasamang plano ng aking mga kaaway na nakapaligid sa akin sa sarili nila.

10Mabagsakan sana sila ng mga nagniningas na baga, at ihulog sana sila sa hukay nang hindi na sila makabangon pa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.