Awit 140

Mangyari sana ang masasamang plano ng aking mga kaaway na nakapaligid sa akin sa sarili nila.

Psalm 140:9 (UKJV) As for the head of those that compass me about, let the mischief of their own lips cover them.

7O Makapangyarihang Panginoon, kayo ang aking makapangyarihang Tagapagligtas; iniingatan nʼyo ako sa panahon ng digmaan.

8Panginoon, huwag nʼyong ipagkaloob sa masama ang kanilang mga hinahangad. Huwag nʼyong payagang silaʼy magtagumpay sa kanilang mga plano, baka silaʼy magmalaki.

9Mangyari sana ang masasamang plano ng aking mga kaaway na nakapaligid sa akin sa sarili nila.

10Mabagsakan sana sila ng mga nagniningas na baga, at ihulog sana sila sa hukay nang hindi na sila makabangon pa.

11Madali sanang mawala sa lupa ang mga taong nagpaparatang ng mali laban sa kanilang kapwa. Dumating sana ang salot sa mga taong malupit upang lipulin sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.