Awit 140

Mabagsakan sana sila ng mga nagniningas na baga, at ihulog sana sila sa hukay nang hindi na sila makabangon pa.

Psalm 140:10 (UKJV) Let burning coals fall upon them: let them be cast into the fire; into deep pits, that they rise not up again.

8Panginoon, huwag nʼyong ipagkaloob sa masama ang kanilang mga hinahangad. Huwag nʼyong payagang silaʼy magtagumpay sa kanilang mga plano, baka silaʼy magmalaki.

9Mangyari sana ang masasamang plano ng aking mga kaaway na nakapaligid sa akin sa sarili nila.

10Mabagsakan sana sila ng mga nagniningas na baga, at ihulog sana sila sa hukay nang hindi na sila makabangon pa.

11Madali sanang mawala sa lupa ang mga taong nagpaparatang ng mali laban sa kanilang kapwa. Dumating sana ang salot sa mga taong malupit upang lipulin sila.

12Panginoon, alam kong iniingatan nʼyo ang karapatan ng mga dukha, at binibigyan nʼyo ng katarungan ang mga nangangailangan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.