1Purihin ang Panginoon na aking batong kanlungan. Siya na nagsasanay sa akin sa pakikipaglaban.
2Siya ang aking Diyos na mapagmahal at matibay na kanlungan. Sa kanya ako kumakanlong at humihingi ng kalinga. Ipinasakop niya sa akin ang mga bansa.
3Panginoon, ano ba ang tao upang pagmalasakitan nʼyo? Tao lang naman siya, bakit nʼyo siya iniisip?
4Ang tulad niyaʼy simoy ng hanging dumadaan, at ang kanyang mga araw ay parang anino na mabilis mawala.