2Siya ang aking Diyos na mapagmahal at matibay na kanlungan. Sa kanya ako kumakanlong at humihingi ng kalinga. Ipinasakop niya sa akin ang mga bansa.
3Panginoon, ano ba ang tao upang pagmalasakitan nʼyo? Tao lang naman siya, bakit nʼyo siya iniisip?
4Ang tulad niyaʼy simoy ng hanging dumadaan, at ang kanyang mga araw ay parang anino na mabilis mawala.
5Panginoon, buksan nʼyo ang langit at bumaba kayo. Hipuin nʼyo ang mga bundok upang magsiusok.
6Gamitin nʼyong parang pana ang mga kidlat, magsitakas at mangalat ang aking mga kaaway.