Awit 144

Panginoon, ano ba ang tao upang pagmalasakitan nʼyo? Tao lang naman siya, bakit nʼyo siya iniisip?

Psalm 144:3 (UKJV) LORD, what is man, that you take knowledge of him! or the son of man, that you make account of him!

1Purihin ang Panginoon na aking batong kanlungan. Siya na nagsasanay sa akin sa pakikipaglaban.

2Siya ang aking Diyos na mapagmahal at matibay na kanlungan. Sa kanya ako kumakanlong at humihingi ng kalinga. Ipinasakop niya sa akin ang mga bansa.

3Panginoon, ano ba ang tao upang pagmalasakitan nʼyo? Tao lang naman siya, bakit nʼyo siya iniisip?

4Ang tulad niyaʼy simoy ng hanging dumadaan, at ang kanyang mga araw ay parang anino na mabilis mawala.

5Panginoon, buksan nʼyo ang langit at bumaba kayo. Hipuin nʼyo ang mga bundok upang magsiusok.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.