Awit 22

Napapaligiran ako ng maraming kaaway, tulad nilaʼy mga mababangis na toro mula sa Bashan.

Psalm 22:12 (UKJV) Many bulls have compassed me: strong bulls of Bashan have beset me round.

10Mula sa aking pagsilang, akoʼy nakadepende na sa inyo, mula si sinapupunan, ikaw ang aking Diyos.

11Huwag po kayong maging malayo sa akin, dahil ang kaguluhan ay malapit nang dumating, at walang ibang makakatulong sa akin.

12Napapaligiran ako ng maraming kaaway, tulad nilaʼy mga mababangis na toro mula sa Bashan.

13Para rin silang mga leong umaatungal at nakanganga na handa akong lapain.

14Nawalan ako ng lakas na parang tubig na ibinubuhos, at ang aking mga buto ay parang nalinsad lahat. At nawalan ako ng lakas ng loob, para akong nauupos na kandila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.