Awit 22

Para rin silang mga leong umaatungal at nakanganga na handa akong lapain.

Psalm 22:13 (UKJV) They gaped upon me with their mouths, as a ravening and a roaring lion.

11Huwag po kayong maging malayo sa akin, dahil ang kaguluhan ay malapit nang dumating, at walang ibang makakatulong sa akin.

12Napapaligiran ako ng maraming kaaway, tulad nilaʼy mga mababangis na toro mula sa Bashan.

13Para rin silang mga leong umaatungal at nakanganga na handa akong lapain.

14Nawalan ako ng lakas na parang tubig na ibinubuhos, at ang aking mga buto ay parang nalinsad lahat. At nawalan ako ng lakas ng loob, para akong nauupos na kandila.

15Ang aking kalakasan ay natuyo na parang tigang na lupa, at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngala-ngala. O Panginoon, pinabayaan nʼyo ako sa lupa na parang isang patay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.