9Ngunit kayo ang naglabas sa akin sa sinapupunan ng aking ina, at tinuruan nʼyo akong magtiwala sa inyo kahit noong akoʼy sanggol pa lamang.
10Mula sa aking pagsilang, akoʼy nakadepende na sa inyo, mula si sinapupunan, ikaw ang aking Diyos.
11Huwag po kayong maging malayo sa akin, dahil ang kaguluhan ay malapit nang dumating, at walang ibang makakatulong sa akin.
12Napapaligiran ako ng maraming kaaway, tulad nilaʼy mga mababangis na toro mula sa Bashan.
13Para rin silang mga leong umaatungal at nakanganga na handa akong lapain.