Awit 37

Magtiwala ka sa Panginoon at sundin mo ang kanyang pamamaraan. Pararangalan ka niya sa pamamagitan ng pagpapatira saʼyo sa lupain ng Israel, at masasaksihan mo ang pagpaparusa niya sa mga taong masama.

Psalm 37:34 (UKJV) Wait on the LORD, and keep his way, and he shall exalt you to inherit the land: when the wicked are cut off, you shall see it.

32Ang mga taong masamaʼy laging nagbabantay para salakayin at patayin ang taong may matuwid na pamumuhay.

33Ngunit hindi pababayaan ng Panginoon ang taong matuwid sa kamay ng kanyang mga kaaway, o parurusahan man kapag siyaʼy hinatulan.

34Magtiwala ka sa Panginoon at sundin mo ang kanyang pamamaraan. Pararangalan ka niya sa pamamagitan ng pagpapatira saʼyo sa lupain ng Israel, at masasaksihan mo ang pagpaparusa niya sa mga taong masama.

35Nakita ko ang masamang tao na nang-aapi. Gusto niyang kilalanin siyang mataas kaysa sa iba, katulad ng mataas na punongkahoy ng Lebanon.

36Nang siyaʼy aking balikan, siyaʼy wala na; hinanap ko siya ngunit hindi ko na nakita dahil siyaʼy patay na.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.