Awit 37

Ngunit hindi pababayaan ng Panginoon ang taong matuwid sa kamay ng kanyang mga kaaway, o parurusahan man kapag siyaʼy hinatulan.

Psalm 37:33 (UKJV) The LORD will not leave him in his hand, nor condemn him when he is judged.

31Ang Kautusan ng Diyos ay iniingatan niya sa kanyang puso, at hindi niya ito sinusuway.

32Ang mga taong masamaʼy laging nagbabantay para salakayin at patayin ang taong may matuwid na pamumuhay.

33Ngunit hindi pababayaan ng Panginoon ang taong matuwid sa kamay ng kanyang mga kaaway, o parurusahan man kapag siyaʼy hinatulan.

34Magtiwala ka sa Panginoon at sundin mo ang kanyang pamamaraan. Pararangalan ka niya sa pamamagitan ng pagpapatira saʼyo sa lupain ng Israel, at masasaksihan mo ang pagpaparusa niya sa mga taong masama.

35Nakita ko ang masamang tao na nang-aapi. Gusto niyang kilalanin siyang mataas kaysa sa iba, katulad ng mataas na punongkahoy ng Lebanon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.