29Ang mga matuwid ay mananahan magpakailanman sa lupain ng Israel na sa kanilaʼy ipinamana.
30Ang taong matuwid ay nagsasalita ng tama, at may karunungan.
31Ang Kautusan ng Diyos ay iniingatan niya sa kanyang puso, at hindi niya ito sinusuway.
32Ang mga taong masamaʼy laging nagbabantay para salakayin at patayin ang taong may matuwid na pamumuhay.
33Ngunit hindi pababayaan ng Panginoon ang taong matuwid sa kamay ng kanyang mga kaaway, o parurusahan man kapag siyaʼy hinatulan.