27Iwasan ang masama at gawin ang mabuti; nang sa gayon ay manahan ka sa lupain magpakailanman.
28Dahil ang nais ng Panginoon ay katarungan, at ang mga taong tapat sa kanya ay hindi niya pinapabayaan. Silaʼy iingatan niya magpakailanman. Ngunit ang lahi ng mga taong masama ay mawawala.
29Ang mga matuwid ay mananahan magpakailanman sa lupain ng Israel na sa kanilaʼy ipinamana.
30Ang taong matuwid ay nagsasalita ng tama, at may karunungan.
31Ang Kautusan ng Diyos ay iniingatan niya sa kanyang puso, at hindi niya ito sinusuway.