34Magtiwala ka sa Panginoon at sundin mo ang kanyang pamamaraan. Pararangalan ka niya sa pamamagitan ng pagpapatira saʼyo sa lupain ng Israel, at masasaksihan mo ang pagpaparusa niya sa mga taong masama.
35Nakita ko ang masamang tao na nang-aapi. Gusto niyang kilalanin siyang mataas kaysa sa iba, katulad ng mataas na punongkahoy ng Lebanon.
36Nang siyaʼy aking balikan, siyaʼy wala na; hinanap ko siya ngunit hindi ko na nakita dahil siyaʼy patay na.
37Tingnan mo ang taong totoo at matuwid. May magandang kinabukasan at tahimik na pamumuhay.
38Ngunit lilipulin ang lahat ng mapaghimagsik, at ang kinabukasan nila ay mawawala.