36Nang siyaʼy aking balikan, siyaʼy wala na; hinanap ko siya ngunit hindi ko na nakita dahil siyaʼy patay na.
37Tingnan mo ang taong totoo at matuwid. May magandang kinabukasan at tahimik na pamumuhay.
38Ngunit lilipulin ang lahat ng mapaghimagsik, at ang kinabukasan nila ay mawawala.
39Ang kaligtasan ng mga matuwid ay mula sa Panginoon. Siya ang tanggulan nila sa panahon ng kaguluhan.
40Tinutulungan sila ng Panginoon at inililigtas sa mga taong masama, dahil silaʼy humihingi ng kanyang kalinga.