4Parang nalulunod na ako sa nag-uumapaw kong kasalanan. Itoʼy isang pasanin na hindi ko na makayanan.
5Dahil sa aking kamangmangan ang aking mga sugat ay namamaga at nangangamoy.
6Akoʼy namimilipit sa sobrang sakit at lubos ang kalungkutan ko buong araw.
7Sumasakit ang buo kong katawan, at bumagsak na rin ang aking kalusugan.
8Akoʼy pagod na at nanghihina pa, at dumadaing din ako dahil sa sobrang bigat ng aking kalooban.