Awit 38

Parang nalulunod na ako sa nag-uumapaw kong kasalanan. Itoʼy isang pasanin na hindi ko na makayanan.

Psalm 38:4 (UKJV) For mine iniquities are gone over mine head: as an heavy burden they are too heavy for me.

2Ang inyong palaso ay tumagos sa akin at ang inyong kamao ay bumaon sa akin.

3Dahil sa galit nʼyo sa akin, nanlulupaypay ang aking katawan. Sumasakit ang buong katawan ko dahil sa aking mga kasalanan.

4Parang nalulunod na ako sa nag-uumapaw kong kasalanan. Itoʼy isang pasanin na hindi ko na makayanan.

5Dahil sa aking kamangmangan ang aking mga sugat ay namamaga at nangangamoy.

6Akoʼy namimilipit sa sobrang sakit at lubos ang kalungkutan ko buong araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.