1Panginoon, sa inyong galit, huwag nʼyo akong patuloy na parusahan.
2Ang inyong palaso ay tumagos sa akin at ang inyong kamao ay bumaon sa akin.
3Dahil sa galit nʼyo sa akin, nanlulupaypay ang aking katawan. Sumasakit ang buong katawan ko dahil sa aking mga kasalanan.
4Parang nalulunod na ako sa nag-uumapaw kong kasalanan. Itoʼy isang pasanin na hindi ko na makayanan.