Awit 38

Dahil sa galit nʼyo sa akin, nanlulupaypay ang aking katawan. Sumasakit ang buong katawan ko dahil sa aking mga kasalanan.

Psalm 38:3 (UKJV) There is no soundness in my flesh because of yours anger; neither is there any rest in my bones because of my sin.

1Panginoon, sa inyong galit, huwag nʼyo akong patuloy na parusahan.

2Ang inyong palaso ay tumagos sa akin at ang inyong kamao ay bumaon sa akin.

3Dahil sa galit nʼyo sa akin, nanlulupaypay ang aking katawan. Sumasakit ang buong katawan ko dahil sa aking mga kasalanan.

4Parang nalulunod na ako sa nag-uumapaw kong kasalanan. Itoʼy isang pasanin na hindi ko na makayanan.

5Dahil sa aking kamangmangan ang aking mga sugat ay namamaga at nangangamoy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.