Awit 44

Kami na inyong mga mamamayan ay ipinagbili nʼyo sa kaunting halaga. Parang wala kaming kuwenta sa inyo.

Psalm 44:12 (UKJV) You sell your people for nothing, and do not increase your wealth by their price.

10Pinaatras nʼyo kami sa aming mga kaaway, at ang aming mga ari-arian ay kanilang sinamsam.

11Pinabayaan nʼyong kami ay lapain na parang mga tupa. Pinangalat nʼyo kami sa mga bansa.

12Kami na inyong mga mamamayan ay ipinagbili nʼyo sa kaunting halaga. Parang wala kaming kuwenta sa inyo.

13Ginawa nʼyo kaming kahiya-hiya; iniinsulto at pinagtatawanan kami ng aming mga kalapit na bansa.

14Ginawa nʼyo kaming katawa-tawa sa mga bansa, at pailing-iling pa sila habang nang-iinsulto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.