12Kami na inyong mga mamamayan ay ipinagbili nʼyo sa kaunting halaga. Parang wala kaming kuwenta sa inyo.
13Ginawa nʼyo kaming kahiya-hiya; iniinsulto at pinagtatawanan kami ng aming mga kalapit na bansa.
14Ginawa nʼyo kaming katawa-tawa sa mga bansa, at pailing-iling pa sila habang nang-iinsulto.
15Akoʼy palaging inilalagay sa kahihiyan. Wala na akong mukhang maihaharap pa,
16dahil sa pangungutya at pang-iinsulto ng aking mga kaaway na gumaganti sa akin.