6Hindi ako nagtitiwala sa aking espada at pana upang akoʼy magtagumpay,
7dahil kayo ang nagbibigay ng tagumpay sa amin. Hinihiya nʼyo ang mga kumakalaban sa amin.
8O Diyos, kayo ang lagi naming ipinagmamalaki, at pupurihin namin kayo magpakailanman.
9Ngunit ngayoʼy itinakwil nʼyo na kami at inilagay sa kahihiyan. Ang mga sundalo namin ay hindi nʼyo na sinasamahan.
10Pinaatras nʼyo kami sa aming mga kaaway, at ang aming mga ari-arian ay kanilang sinamsam.