Awit 44

Ngunit ngayoʼy itinakwil nʼyo na kami at inilagay sa kahihiyan. Ang mga sundalo namin ay hindi nʼyo na sinasamahan.

Psalm 44:9 (UKJV) But you have cast off, and put us to shame; and go not forth with our armies.

7dahil kayo ang nagbibigay ng tagumpay sa amin. Hinihiya nʼyo ang mga kumakalaban sa amin.

8O Diyos, kayo ang lagi naming ipinagmamalaki, at pupurihin namin kayo magpakailanman.

9Ngunit ngayoʼy itinakwil nʼyo na kami at inilagay sa kahihiyan. Ang mga sundalo namin ay hindi nʼyo na sinasamahan.

10Pinaatras nʼyo kami sa aming mga kaaway, at ang aming mga ari-arian ay kanilang sinamsam.

11Pinabayaan nʼyong kami ay lapain na parang mga tupa. Pinangalat nʼyo kami sa mga bansa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.