5Sa pamamagitan ninyoʼy pinatumbaʼt tinapak-tapakan namin ang aming mga kaaway.
6Hindi ako nagtitiwala sa aking espada at pana upang akoʼy magtagumpay,
7dahil kayo ang nagbibigay ng tagumpay sa amin. Hinihiya nʼyo ang mga kumakalaban sa amin.
8O Diyos, kayo ang lagi naming ipinagmamalaki, at pupurihin namin kayo magpakailanman.
9Ngunit ngayoʼy itinakwil nʼyo na kami at inilagay sa kahihiyan. Ang mga sundalo namin ay hindi nʼyo na sinasamahan.