9Ang ilan sa inyong mga kagalang-galang na babae ay mga prinsesa. At sa inyong kanan ay nakatayo ang reyna na nakasuot ng mga alahas na purong ginto mula sa Ofir.
10O kasintahan ng hari, pakinggan mo ang sasabihin ko: Kalimutan mo ang iyong mga kamag-anak at mga kababayan.
11Nabihag mo ang hari ng iyong kagandahan. Siyaʼy iyong amo na dapat igalang.
12Ang mga taga-Tiro ay magdadala sa iyo ng kaloob; pati ang mga mayayaman ay hihingi ng pabor sa iyo.
13Nagniningning ang kagandahan ng prinsesa sa loob ng kanyang silid. Ang kanyang suot na trahe de boda ay may mga burdang ginto.