11Nabihag mo ang hari ng iyong kagandahan. Siyaʼy iyong amo na dapat igalang.
12Ang mga taga-Tiro ay magdadala sa iyo ng kaloob; pati ang mga mayayaman ay hihingi ng pabor sa iyo.
13Nagniningning ang kagandahan ng prinsesa sa loob ng kanyang silid. Ang kanyang suot na trahe de boda ay may mga burdang ginto.
14Sa ganitong kasuotan ay dadalhin siya sa hari, kasama ng mga dalagang abay.
15Lahat silaʼy nagagalak at nananabik habang pumapasok sa palasyo ng hari.