Awit 45

Ang mga taga-Tiro ay magdadala sa iyo ng kaloob; pati ang mga mayayaman ay hihingi ng pabor sa iyo.

Psalm 45:12 (UKJV) And the daughter of Tyre shall be there with a gift; even the rich among the people shall implore your favour.

10O kasintahan ng hari, pakinggan mo ang sasabihin ko: Kalimutan mo ang iyong mga kamag-anak at mga kababayan.

11Nabihag mo ang hari ng iyong kagandahan. Siyaʼy iyong amo na dapat igalang.

12Ang mga taga-Tiro ay magdadala sa iyo ng kaloob; pati ang mga mayayaman ay hihingi ng pabor sa iyo.

13Nagniningning ang kagandahan ng prinsesa sa loob ng kanyang silid. Ang kanyang suot na trahe de boda ay may mga burdang ginto.

14Sa ganitong kasuotan ay dadalhin siya sa hari, kasama ng mga dalagang abay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.