Awit 45

Sa ganitong kasuotan ay dadalhin siya sa hari, kasama ng mga dalagang abay.

Psalm 45:14 (UKJV) She shall be brought unto the king in raiment of needlework: the virgins her companions that follow her shall be brought unto you.

12Ang mga taga-Tiro ay magdadala sa iyo ng kaloob; pati ang mga mayayaman ay hihingi ng pabor sa iyo.

13Nagniningning ang kagandahan ng prinsesa sa loob ng kanyang silid. Ang kanyang suot na trahe de boda ay may mga burdang ginto.

14Sa ganitong kasuotan ay dadalhin siya sa hari, kasama ng mga dalagang abay.

15Lahat silaʼy nagagalak at nananabik habang pumapasok sa palasyo ng hari.

16Mahal na Hari, ang inyong mga anak na lalaki ay magiging hari rin, katulad ng kanilang mga ninuno. Gagawin nʼyo silang mga pinuno sa buong daigdig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.