Awit 48

Ang Diyos ay nasa mga muog ng Jerusalem, at ipinakita niyang siya ang Tagapagligtas ng mga taga-Jerusalem.

Psalm 48:3 (UKJV) God is known in her palaces for a refuge.

1Dakila ang Panginoon na ating Diyos, at karapat-dapat na papurihan sa kanyang bayan, ang kanyang banal na bundok.

2Itoʼy mataas at maganda, at nagbibigay kagalakan sa buong mundo. Ang banal na bundok ng Zion ay ang bayan ng Makapangyarihang Hari.

3Ang Diyos ay nasa mga muog ng Jerusalem, at ipinakita niyang siya ang Tagapagligtas ng mga taga-Jerusalem.

4Nagtipon-tipon ang mga hari upang sumalakay sa Jerusalem.

5Ngunit noong nakita ng mga hari ang bayan, nagulat, natakot at nagsitakas sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.