Awit 5

Sapagkat ang bibig ng aking mga kaaway ay hindi mapagkakatiwalaan, ang puso nilaʼy puno ng kapahamakan. Katulad ng bukas na libingan ang kanilang lalamunan; Pawang salitang mapanlinlang ang kanilang binibitawan.

Psalm 5:9 (UKJV) For there is no faithfulness in their mouth; their inward part is very wickedness; their throat is an open tomb; they flatter with their tongue.

7Ngunit dahil sa inyong wagas na pag-ibig, akoʼy makakapasok sa inyong tahanan. At bilang paggalang, akoʼy magpapatirapa sa inyong banal na Templo.

8O Panginoon, akoʼy inyong gabayan tungo sa inyong matuwid na daan, sapagkat napakarami ng aking kalaban. Gawin nʼyong madali kong sundan ang iyong daan na nasa aking harapan.

9Sapagkat ang bibig ng aking mga kaaway ay hindi mapagkakatiwalaan, ang puso nilaʼy puno ng kapahamakan. Katulad ng bukas na libingan ang kanilang lalamunan; Pawang salitang mapanlinlang ang kanilang binibitawan.

10O Diyos, panagutin nʼyo po sila. Nawaʼy ipahamak sila ng sarili nilang mga plano. Itakwil ninyo sila dahil sa dami ng kanilang pagkakasala, sapagkat kayoʼy sinusuway nila.

11Ngunit magalak nawa ang lahat ng nanganganlong sa inyo; magsiawit nawa sila nang may kagalakan. Ingatan nʼyo sila na nagmamahal sa inyo, upang silaʼy mapuno ng kagalakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.