Awit 5

Ngunit magalak nawa ang lahat ng nanganganlong sa inyo; magsiawit nawa sila nang may kagalakan. Ingatan nʼyo sila na nagmamahal sa inyo, upang silaʼy mapuno ng kagalakan.

Psalm 5:11 (UKJV) But let all those that put their trust in you rejoice: let them ever shout for joy, because you defend them: let them also that love your name be joyful in you.

9Sapagkat ang bibig ng aking mga kaaway ay hindi mapagkakatiwalaan, ang puso nilaʼy puno ng kapahamakan. Katulad ng bukas na libingan ang kanilang lalamunan; Pawang salitang mapanlinlang ang kanilang binibitawan.

10O Diyos, panagutin nʼyo po sila. Nawaʼy ipahamak sila ng sarili nilang mga plano. Itakwil ninyo sila dahil sa dami ng kanilang pagkakasala, sapagkat kayoʼy sinusuway nila.

11Ngunit magalak nawa ang lahat ng nanganganlong sa inyo; magsiawit nawa sila nang may kagalakan. Ingatan nʼyo sila na nagmamahal sa inyo, upang silaʼy mapuno ng kagalakan.

12Pinagpapala nʼyo Panginoon ang mga matuwid. Ang pag-ibig nʼyo ay parang kalasag na nag-iingat sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.