8Hindi dahil sa inyong mga sinusunog na handog na palagi ninyong iniaalay sa akin.
9Hindi ko kailangan ang inyong mga baka at mga kambing.
10Sapagkat akin ang lahat ng hayop: ang mga hayop sa gubat at ang mga baka sa libu-libong mga burol.
11Kilala ko rin ang lahat ng ibon sa mga bundok, at ang lahat ng hayop sa parang ay akin.
12Kung magutom man ako, hindi ako hihingi sa inyo ng pagkain, dahil ang daigdig at ang lahat ng nasa loob nito ay akin.