15Tumawag kayo sa akin sa oras ng inyong kagipitan. At ililigtas ko kayo at akoʼy pararangalan ninyo.”
16Ngunit sinabi ng Diyos sa mga masama, “Wala kayong karapatang banggitin ang aking mga kautusan at kasunduan!
17Namumuhi kayo sa aking pagdidisiplina. Hindi ninyo pinapansin ang mga sinasabi ko.
18Kapag nakakita kayo ng magnanakaw, nakikipagkaibigan kayo sa kanya at nakikisama rin kayo sa mga nakikiapid.
19Lagi kayong nagsasalita ng masama at kay dali para sa inyong magsinungaling.