13Kumakain ba ako ng karne ng toro? Hindi! Umiinom ba ako ng dugo ng kambing? Hindi!
14“Ang kailangan kong handog ay ang inyong pasasalamat at ang pagtupad sa mga ipinangako ninyo sa akin na Kataas-taasang Diyos.
15Tumawag kayo sa akin sa oras ng inyong kagipitan. At ililigtas ko kayo at akoʼy pararangalan ninyo.”
16Ngunit sinabi ng Diyos sa mga masama, “Wala kayong karapatang banggitin ang aking mga kautusan at kasunduan!
17Namumuhi kayo sa aking pagdidisiplina. Hindi ninyo pinapansin ang mga sinasabi ko.