Awit 50

Handa kayong manira ng puri ng inyong mga kaanak, kahit ng sarili ninyong kapatid.

Psalm 50:20 (UKJV) You sit and speak against your brother; you slander yours own mother's son.

18Kapag nakakita kayo ng magnanakaw, nakikipagkaibigan kayo sa kanya at nakikisama rin kayo sa mga nakikiapid.

19Lagi kayong nagsasalita ng masama at kay dali para sa inyong magsinungaling.

20Handa kayong manira ng puri ng inyong mga kaanak, kahit ng sarili ninyong kapatid.

21Hindi ako kumibo nang gawin ninyo ang mga bagay na ito, kaya inakala ninyong katulad din ninyo ako. Ngunit sasawayin ko kayo at ipapakita ko sa inyo kung gaano kayo kasama.

22Pakinggan ninyo ito, kayong mga nakalimot sa Diyos, dahil kung hindi ay lilipulin ko kayo at walang makapagliligtas sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.