Awit 50

Hindi ako kumibo nang gawin ninyo ang mga bagay na ito, kaya inakala ninyong katulad din ninyo ako. Ngunit sasawayin ko kayo at ipapakita ko sa inyo kung gaano kayo kasama.

Psalm 50:21 (UKJV) These things have you done, and I kept silence; you thought that I was altogether such an one as yourself: but I will reprove you, and set them in order before yours eyes.

19Lagi kayong nagsasalita ng masama at kay dali para sa inyong magsinungaling.

20Handa kayong manira ng puri ng inyong mga kaanak, kahit ng sarili ninyong kapatid.

21Hindi ako kumibo nang gawin ninyo ang mga bagay na ito, kaya inakala ninyong katulad din ninyo ako. Ngunit sasawayin ko kayo at ipapakita ko sa inyo kung gaano kayo kasama.

22Pakinggan ninyo ito, kayong mga nakalimot sa Diyos, dahil kung hindi ay lilipulin ko kayo at walang makapagliligtas sa inyo.

23Ang naghahandog sa akin ng pasasalamat ay pinaparangalan ako at ang nag-iingat sa kanyang pag-uugali ay ililigtas ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.